Bayan ng Madrid sa Surigao Del Sur, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Madrid sa Surigao Del Sur kaninang 12:04 ng madaling araw.

Ito ay may lalim na 66 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity IV sa Cabadbaran City sa Agusan Del Norte.


Habang naramdaman ang Intensity III sa Surigao City, Surigao Del Norte at Intensity I naman sa bahagi ng Talakag, Bukidnon at mga bayan ng Abuyog at Mahaplag sa Leyte.

Ayon sa Phivolcs, asahan ang pinsala at aftershocks matapos ang nasabing lindol.

Facebook Comments