Manila, Philippines – Hindi na nagulat si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa lumabas na resulta ng Survey ng Pulse Asia ukol sa mga posibleng Senatorial Candidates para sa 2019 Midterm Elections.
Matatandaan na base sa survey ay mga babae ang top 5 sa reulta ng Survey kung saan nangunguna si Senator Grace Poe, sinundan ni Senator Cynthia Villar, Pia Cayetano, Senator Nancy Binay at Davao City Mayor Sara Duterte Carpio naman ang ika 5.
Ayon kay Roque, normal naman na talagang mga re-electionist o mga anak ng mga ito ang inaasahang papasok sa Survey dahil dala ng mga ito ang mga apelyido.
Sinabi pa ni Roque na ang katotohanan ay hindi kwalipikasyon ang pinag-uusapan kundi ang kasikatan ng mga kandidato o ng kanilang mga magulang.
Binigyang diin ni Roque na dapat sana ay hindi pasikatan kundi kaalaman sa batas at polisiya ng bansa ang maiboto ng taong bayan.
Sinabi din naman ni Roque na pagiisipan pa niya kung siya ay tatakbo sa 2019 midterm elections sa ilalim ng Administrasyong Duterte.