Pinalakas pa ng Pilipinas at Australia ang kanilang magandang relasyon dahil sa pagtutulungan sa mga proyektong pang imprastraktura at agrikultura.
Kahapon ay nagkaroon ng pagpupulong sina Finance Secretary Benjamin Diokno, Australian Ambassador to the Philippines HK Yu at Australia’s Special Envoy for Southeast Asia Nicholas Moore.
Ito ay sidelines sa opisyal na paglulunsad ng Australia’s Partnerships for Infrastructure (P4I) na inisyatibo ng Pilipinas.
Ayon kay Secretary Diokno, naging sentro ng kanilang pagpupulong ay privatization ng mga paliparan, development ng mga mining industry, at agriculture technology.
Sinabi raw ni Ambassador Yu na umaasa ang Australian Government para sa posibleng privatization ng mga paliparan sa Pilipinas.
Batay kasi sa inamyendahang Public Service Act o PSA, ang airports, railways, toll roads, expressways, at telecommunications ay bukas na ngayon para sa full foreign ownership.
Ang Implementing Rules and Regulations o IRR para sa inamyendahang PSA ay inilabas noong March 20, 2023 at magiging epektibo sa April 4, 2023.
Ang Pilipinas ang isa sa mga matagal ng bilateral partners ng Australia na may pitumput pitong taong diplomatic relations.