Ikinukonsidera muli ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na palawigin muli ang martial law sa Mindanao.
Ito ay dahil na rin sa nakikitang magandang epekto sa rehiyon.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez – hangga’t hindi pa naaayos ang batas ng Pilipinas sa paglaban sa mga komunista at terorista ay mas makabubuting ipagpatuloy ang batas militar sa Mindanao.
Aniya, ang mga residente na ng Mindanao ang nagsasabi na nagbibigay ito ng magandang dulot ang martial law sa kanilang lugar.
Sa datos ng AFP, pumalo na sa higit 11,000 ang sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) ngayong taon kung saan pinakamarami ay sa Mindanao.
Bumaba rin ang bilang ng mga krimen sa mga dating magugulong bayan ng Mindanao.
Tumaas din sa 7.3% ang Gross Domestic Product (GDP) ng ARMM at itinanghal na tourism safe ang mga dating pugad ng mga terorista tulad ng Tawi-Tawi at Zamboanga.