EXTENDED? | Pasya ng Pangulo sa Martial Law, inaabangan na

Manila, Philippines – Inaabangan nalang ng Palasyo ng Malacañang ang magiging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kahihinatnan ng Martial Law sa buong Mindanao.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Major General Restituto Padilla, ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte ay palawigin ang Martial law.

Pero hindi naman tinukoy ni Padilla kung gaanong katagal at kung buong Mindanao pa rin ipatutupad ang kanilang inirekomenda sa Pangulo.


Matatandaan na sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ang kanilang rekomendasyon sa Pangulo ay isang taong extension ng Martial Law sa Mindanao.

Sakaling magpasya ang Pangulo na palawigin ang Martial Law sa Mindanao ay kailangan pa itong idaan sa Kongreso para maaprubahan.

Sa December 31 na mapapaso ang Martial Law sa Mindanao kaya asahan ang desisyon ng Pangulo bago matapos ang taon.

Facebook Comments