WANTED | South Korean National, ipade-deport ng Bureau of Immigration

27

Manila, Philippines – Nakatakdang ipa-deport ngayong araw ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa.

December 5 nang maaresto sa kanyang bahay sa Angeles City, Pampanga ang 47-anyos na si Kang Bum Su.

Ikinasa ang operasyon matapos na ipaalam ng South Korean Embassy sa Maynila na may criminal record si Kang dahil sa paglabag sa violence act sa kanilang bansa.

Hinihintay na lang ng BI ang mga pulis mula South Korea na susundo kay Kang.

Inilagay na rin siya sa blacklist ng BI para hindi na makapasok muli ng bansa.

Facebook Comments