Itinutulak ni Iligan Rep. Frederick Siao ang pagpapalawig pa sa batas militar sa Mindanao sa susunod na taon.
Sa inihaing House Resolution 2302 na inihain ni Siao, anim na buwan pa ang hinihiling nito na extension sa martial law o hanggang June 2019.
Paliwanag ng kongresista, mahalagang mapanatili ang implementasyon ng batas militar dahil sa mga naglalabasang impormasyon kaugnay ng terrorist plots.
Bukod dito, kailangan ding matiyak ang seguridad para sa 2019 elections lalo na sa Mindanao region.
Mas mainam aniyang palipasin muna ang halalan sa susunod na taon at bigyang daan ang mga mauupong opisyal bago alisin ang batas militar.
Sinabi nito na hindi pa maaaring balewalain ang banta ng ISIS at kasabwat nitong grupo gayundin ang drug-network na nag-o-operate sa Mindanao.