Extension ng martial law, dapat naka base sa ebidensya – Senator Drilon

Manila, Philippines – Pinaglalatag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Armed Forces of the Philippines o AFP ng mga ebidensya na magpapatunay na dapat mapalawig ang martial law na umiiral sa buong Mindanao.

Giit ni Drilon, dapat maipakita ng AFP ang basehan sakaling isulong ito ang pagpapahaba pa ng pag iral ng batas militar sa mindanao na magtatapos ngayong December 31, 2017.

Nagtataka si Drilon kung bakit lumulutang ngayon ang anggulong extension ng martial law gayong matagal ng sinabi ng afp na naresolba na ang problema sa Mindanao.


Naniniwala si Drilon na ang usapin tungkol sa extension ng martial law sa mindanao ay magdudulot lang ng takot sa mga taga-mindanao lalo na sa mga residente ng marawi na nagsisikap makabalik sa normal nilang pamumuhay.

Kasabay nito ay ipinaalala din ni Drilon na ang extension ng martial ay dapat hilingin sa kongreso.

Facebook Comments