Extension ng pilot implementation ng bagong alert level system sa NCR, pinag-aaralan!

Pinag-aaralan na ng pamahalaan ang extension ng pilot implementation ng bagong alert level system sa National Capital Region (NCR) hanggang Oktubre.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, may mga indikasyon na palawigin ang pilot testing ng alert level system sa NCR, kaya asahan na magtutuloy-tuloy ito.

Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang epekto ng bagong lockdown system hindi lang sa health aspect, kundi pati rin sa ekonomiya.


Tinitignan din ng IATF ang expansion ng bagong quarantine system sa mga probinsya, partikular sa mga highly urbanized area.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 4 ang Metro Manila na tatagal hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments