External debt ng Pilipinas, sumampa na sa mahigit 106 bilyong dolyar

Nadagdagan ng 8.1 percent ang utang ng pilipinas sa labas ng bansa dahilan para lumobo sa 106.43 billion dollars o katumbas ng mahigit 5.5 trillion pesos ang external debt ng bansa.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, bunsod ito ng lalong pag-utang ng pamahalaan mula sa mga foreign creditors at adjustments na ginawa sa mga nakabinbin pang utang.

Sa kabila nito, nananatiling masinop ang bansa sa pagbayad ng outstanding external debt nito kung saan nakapagtala ng 27% na debt to GDP ratio na siyang pinakamababa sa lahat ng ASEAN countries.


Mababatid na patuloy ang pagtaas ng external debt ng Pilipinas ngayong Duterte administration kung saan mula sa 73.1 billion dollars noong 2017 ay nadagdagan ito ng mahigit 33 billion dollars sa loob lamang ng limang taon.

Facebook Comments