Pangongotong ng mga miyembro ng Bangsangmoro Islamic Freedom Fighter Dawlah Islamiyah Abu Torayfe Group ang dahilan nang nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat nitong nakalipas na araw ng Sabado.
Ito ang inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP matapos na marinig ang mga testimonya ng mga negosyante sa pinangyarihan ng pagsabog.
Bago raw kasi ang pagsabog nagbanta ang grupo na magpapasabog kapag hindi naibigay ang kanilang demand na 250,000 sa Local Government Unit (LGU) ng Isulan, Sultan Kudarat.
Sa kabila ng inisyal na imbestigasyon ng PNP hindi nila inaalis ang posibilidad na may kaugnayan sa terorismo ang pagsabog dahil sa improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagsabog.
Inaalam nila ngayon kung kaninong signature ang bombang sumabog sa nangyaring pagsabog sa public market sa Isulan, Sultan Kudarat na pito ang sugatan.