Manila, Philippines – Sinimulan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon sa umano ay P6.8 milyon extortion na kinasasangkutan ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ayon kay PACC Commissioner Manuel Luna, ipatatawag nila ang mga personalidad na sinasabing may kinalaman rito.
Aniya, ikinukonsidera nilang seryoso ang alegasyon na isinampa ni Monalie Dizon laban kay Bello kung kaya at kailangan maimbestigahan at para na rin sa interes ng publiko.
Paliwanag ni Luna ang pag-summon sa mga taong sangkot ay bahagi ng komisyon na mabigyang linaw ang naturang isyu.
Facebook Comments