Extortionist sa Tuguegarao City, Huli sa Entrapment Operation!

*Tuguegarao City- *Arestado ang isang extortionist makaraang mahulog sa ikinasang entrapment operation ng mga otoridad dahil sa panloloko at panghuhuthut nito ng pera sa isang pulis.

Kinilala ang naarestong suspek na si Glory Pamittan Ferrer, 54 anyos at residente ng Linao Norte, Tuguegarao City habang ang biktima ay si PSI Brendalyn Jacob, 37 anyos at nakabase sa Calamba City, Laguna.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, bumili ng lote ang biktima sa suspek sa bahagi ng Tuguegarao City at nagbigay ito ng kanyang paunang bayad na isangdaang libong piso (100,000.00) subalit nang bisitahin ng biktima ang lote ay nagulat na lamang ito nang makita na may nakatayong gusali.


Nagtungo ang biktima sa brgy Hall ng Linao Norte, Tuguegarao City upang makausap ang suspek subalit nalaman rin nito na may mga kasama rin siyang naloko ng suspek.

Noong December 5, 2018 ay humingi pa ng karagdagang bayad ang suspek sa biktima na nagkakahalaga ng isang daang libong piso (100,000.00) na siya namang kinuhang pagkakataon ng biktima upang magsagawa ng entrapment operation laban sa suspek.

Kaugnay nito ay tuluyang nahuli ang suspek matapos ma-entrap at nakuha mula sa suspek ang isangdaang libong pisong boodle money at cellphone na ginagamit sa iligal na gawain.

Nasa kustodiya na ng Tuguegarao City Police Station si Glory Ferrer na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments