EXTRA FEE | Polisiya sa paniningil ng cleaning fee – pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng LTFRB ang posibleng pagpapatupad ng polisiya tungkol sa paniningil ng cleaning fee.

Nakarating kasi sa ahensya na ilang partner drivers ng mga Transport Network Company (TNC) ang naniningil ng extra fee sa mga pasaherong nagdudumi, nagsusuka o naiihi sa kanilang mga sasakyan.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada – sa ngayon ay walang ganitong polisiya ang ahensya.


Dahil dito, nagpapa-canvas na siya ng presyo ng auto detailing para malaman kung magkano ang palinis sa mga sasakyan at kung magkano ang pwedeng singilin na cleaning fee.

Sakaling ipatupad, dapat aniya na makapagprisinta ng ebidensya ang mga driver na nadumihan nga ang kanilang sasakyan para masigurong hindi naaabuso ang polisiya.

Balak din itong ipatupad ng LTFRB sa mga taxi na nakakaranas ng kaparehong insidente.

Facebook Comments