SWEETNESS OVERLOAD | Angel Locsin at Neil Arce – feeling lucky sa isa’t isa

Feeling lucky sa piling ng isa’t isa ang magkasintahang sina Angel Locsin at businessman na si Neil Arce.

Agaw atensyon nga sa social media ang palitan ng matatamis na mensahe ng dalawa kaugnay ng 33rd birthday celebration ni Angel noong Lunes.

Sa Instagram post ni Angel, pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang mga kaibigan at katrabaho sa industriya na dahilan ng pagkakaroon niya ng “best birthday” celebration ngayong taon.


Pero ang ikinakilig ng kanilang followers ay ang mensahe ni Neil para kay Angel.

Sabi ni Neil, laging iniisip ni Angel kung paano masisigurong masaya ang mga taong nakapaligid sa kanya kaya deserve talaga ng aktres ang mga natatanggap nitong biyaya.

Ngayong mas lalo raw niyang nakikilala ang aktres, mas lalo rin niyang nare-realize kung gaano kabagay ang pangalan niya sa kanya.

Nagpasalamat naman si Angel sabay sabing, “ang swerte ko talaga sa’yo.”

Sagot naman ni Neil, mas maswerte siya na naging girlfriend niya si Angel.

Facebook Comments