EXTRA SERVICE | Isang lalaki, patay matapos ang request na extra service sa dalawang masahista

Malate, Maynila – Patay ang isang 50-anyos na lalaki matapos ang extra service na hiniling nito sa dalawang babaeng masahista habang nasa loob ng isang hotel sa Malate, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Thomas Ong, residente ng Empire Plaza sa Masangkay Street sa Sta. Cruz.
Sa ulat, nag-request ng extra service si Ong sa massage attendant na sina Stephanie Co at Jonalyn Hagos.
Pero habang nagpapahinga si Ong ay bigla itong inatake sa puso dahil sa pagod kung kaya’t agad na tumawag ng tulong ang dalawang babae sa mga staff ng hotel na siyang nagsugod sa ospital ng Maynila pero hindi na nagawang pang maisalba ang buhay nito.
Wala namang nakitang foul play ang mga otoridad sa pagkamatay ni Ong pero dinala pa din ang bangkay nito sa isang punerarya para isailalim sa otopsiya.

Facebook Comments