Manila, Philippines – Sumugod sa Department of Justice (DOJ) ang grupong Sandugo at Karapatan para kondenahin ang anila ay pamamayagpag ng extra-judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.
Inupakan din ng mga militante ang wars on drugs at all-out war policy ng administrasyon.
Binanatan din ng mga demonstrador ang anila ay patuloy na pagdami ng political prisoners sa bansa.
Kapansin-pansin din anila ang pagtaas ng bilang ng mga grupo at indibidwal na nakakasuhan dahil sa pagbatikos sa gobyerno.
Maituturing din daw na riding in tandem sina Pangulong Duterte at Justice secretary Vitaliano Aguirre sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga kabataan.
Facebook Comments