Inihayag ni Dra. Tet Tuliao ng Muntinlupa City Health Office na isinailalim sa 15-day Extreme Localized Community Quarantine (ELCQ) ang RMT-7A Compound simula ngayong araw hanggang September 24, 2020.
Ito’y matapos tumaas ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.
Ang RMT-7A Compound ay may pitong pamilya at 24 na mga indibidwal pero nasa 11 ang confirmed cases at may tig-limang probable at suspected cases.
Sinabi rin ni Tuliao na hindi rin nasusunod ang mga health protocol sa naturang compound kung saan maraming mga vulnerable na mga indibidwal tulad ng mga bata, buntis, PWD at senior citizens.
Aniya, magsasagawa ang CHO ng mass testing sa compound at papalakasin din ang detection, isolation at treatment strategies.
Facebook Comments