F.L Dy Coliseum, Pansamantalang tatanggalin bilang Quarantine Facility

21

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ni Mayor Bernard Dy ng Cauayan City na hindi nakauwi sa kanilang barangay si CV 144 na isang 49 taong gulang na lalaki na isnag Locally Stranded Individual (LSI) mula Metro Manila.


Ayon kay Mayor Dy, agad na naidiretso sa inilaang quarantine facility ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang nasabing pasyente kaya’t walang dapat ipangamba ang publiko sa insidente nito.

Bukod dito, may ilan na ring lugar sa lungsod na siyang magiging alternatibong pasilidad upang tugunan ang hinaing ng ilang residente sa lungsod na huwag na sanang magamit ang FL Dy Coliseum.

May ilan din kasi aniyang quarantine facility ang Provincial Government na nasa bisinidad ng lungsod hiwalay sa pasilidad ng LGU.

Samantala, nagnegatibo na sa COVID-19 si CV 63 at CV 81 na una nang napaulat na napositibo sa nasabing virus.

Facebook Comments