PAG-IBIG Fund, nag-alok ng promo rates sa home loans para mapalakas ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19

216

Nag-alok ng promo rates sa home loans ang PAG-IBIG Fund para mapalakas ang ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Aabot ng 4.99% kada taon ang ipapahiram ng ahensya hanggang sa katapusan ng 2020.

Ito ay para makatulong sa kanilang mga miyembro na magkaroon ng bahay sa ilalim ng 3-year repricing period ng Regular Housing Loan Program ng naturang ahensiya.

Ayon kay PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, nais nilang makatulong sa mga miyembro ng PAG-IBIG Fund na gustong bumili o kumuha ng bahay sa mababang halaga habang nasa gitna ng krisis ng COVID-19.

Facebook Comments