Kasunod na rin ito ng mga naitalang suicide incidents dito sa rehiyon dos na kung saan ay ilan sa mga biktima o nagpapakamatay ngayong panahon ng pandemya ay mga estudyante.
Sa ginanap na press conference kahapon ay kanyang sinabi na importante ang mental health sa mga kabataan ganun na rin sa lahat ng mamamayang Pilipino upang maiwasan ang mga ganitong insidente.
Ang problema aniya ngayong pandemya ay nawalan at nabawasan ng social skills ang mga kabataan dahil sa blended learning scheme tulad ng modular at online learning.
Hindi na raw natuto ang mga mag aaral ngayon na makitungo sa kanilang kapwa kabataan ganun na rin sa mga nakakatanda.
Inihalimbawa nito ang kanyang lalawigan sa Sorsogon na mula sa 541 barangays na kanyang nasasakupan, ay 52 porsyento sa mga barangay ang hindi pa nakakapagtala ng kaso ng COVID-19 simula ng magkapandemya kung kaya ay matagal na nitong ipinagsisigawan sa DepEd na papasukin na sa paaralan ang mga mag-aaral dahil hindi naman aniya natututo ang mga estudyante sa blended learning kundi lalo lang silang nahihirapan.
Samantala, iginiit din ni Senatorial candidate at sorsogon Governor Escudero na sa panahon ngayon ay hindi na kailangan pang mag lockdown dahil kailangan na lamang aniya nating matuto na mamuhay ng may COVID-19 upang sa ganon ay maipagpatuloy pa rin ang pag-usad ng ekonomiya ng bansa.