Dapat na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask kahit bumubulusok na ang kaso ng COVID-19.
Sinabi kamakailan ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na posibleng hindi na kailanganin pa na magsuot ng face mask kung patuloy na makapagtatala ng mas mababa pa sa 200 arawang kaso sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.
Pero ayon kay OCTA Research fellow Dr. Butch Ong, dapat na mag-ingat pa rin ang publiko lalo’t mayroon nang local transmission ng BA.2.12.1 sa bansa na sinasabing mas mabilis makahawa kumpara sa orihinal na Omicron variant.
Aniya, maaari kasi na hindi natin nakikita ang tunay na sitwasyon ng COVID-19 sa bansa dahil na rin sa napakababang testing.
Ayon naman kay Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physician, posibleng may mga sintomas ng COVID-19 ang hindi na nagpapa-test dahil sa takot na mawalan o mahinto ulit sa pagtatrabaho.