Monday, February 2, 2026

Face mask policy, ibabalik sa Oregon, USA

Mandatory na ulit ang pagsusuot ng face mask sa Oregon, USA.

Ayon kay Oregon State Governor Kate Brown, ang pagbabalik sa COVID-19 public health rules ay bunsod ng mabilis na pagkalat ng Delta variant at pagtaas ng kanilang hospitalization rate.

Aniya, kahit ang mga bakunado na kontra COVID-19 ay dapat na magsuot ng face mask.

Ang Oregon ang kauna-unahang estado sa Amerika na nagbalik ng polisiya.

Facebook Comments