Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang insidente sa isang elementary school sa Daet, Camarines Norte.
Batay sa nag-viral na video, isinusuot ng guro ang isang face mask sa bawat estudyante sa graduation pictorial.
Ang insidente ay nangyari noong June 11, 2020 sa Barangay Dogongan.
Ayon sa DepEd, natanggap na nila ang incident report kung saan nilabag nito ang minimum health standards at social distancing protocols.
Sinimulan na ang fact-finding investigation sa pamamagitan ng Division Investigation Committee (DIC) na binuo ng DepEd Region 5.
Pinagpapaliwanag din ng kagawaran ang mga taong nasa likod nito.
Ang local DepEd COVID-19 Task Force ay aktibong binabantayan ang sitwasyon ng mga bata.
Ang mga eskwelahang magsasagawa ng graduation rites ay kailangang magsumite sa kanilang Schools Division Superintendent (SDS) para sa approval.
Pagtitiyak ng ahensya na gagawan nila ng aksyon ang insidente para maiwasang maulit ito sa susunod.