Iginiit ni Senator Richard Gordon na huwag munang simulan ang face-to-face classes o blended learning hangga’t hindi pa nabibigyan ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine ang 70% ng mga Pilipino sa bansa.
Paliwanag ni Gordon, dapat muna nating makamit ang herd immunity laban sa virus upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Gordon, mapapahinto ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng epektibong vaccination program.
Mungkahi ni Gordon, pwedeng magsagawa muna ng mass inoculation sa isang probinsya at kapag maganda ang resulta ay pwede na itong gawin sa iba pang lugar sa bansa lalo kung saan mataas ang COVID-19 cases.
Diin ni Gordon, kapag nakamit na natin ang buong proteksyon laban sa COVID-19 ay saka pa lang babalik sa normal ang ating mga buhay, kasama ang muling pagbangon ng ekonomiya at pagbalik sa eskwelahan ng mga mag-aaral.