Face-to-face classes sa ilang pampublikong eskwelahan sa Maynila, limitado

Hindi pa ganap na makapagsasagawa ng face-to-face classes ang ilang malalaking pampublikong eskuwehan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay dahil hanggang sa kasalukuyan ay under construction pa ang mga ginibang gusali ng mga paaralan upang gawing modernong pasilidad.

Ayon kay Superintendent Maria Magdalena Lim ng Division of City Schools, Manila, kabilang dito ang Almario Elementary School, Ramon Magsaysay High School, Albert Elementary School at Manila Science High School.


Mula Agosto 22, magpapatupad ng dalawang scheme ang Almario Elementary School, online sa mga honor and above average na estudyante, habang ang mga hindi pa marunong bumasa o mabagal bumasa ay papasok ng dalawang araw sa loob ng isa at kalahating oras at tatlong araw na asynchronous mula kinder hanggang grade 6.

Ito ay dahil under major construction pa at 14 na classroom lamang ang maaaring magamit.

Blended learning naman ang gagamitin sa Magsaysay High School sa buong School Year 2022 hanggang 2023 at gagamitin ang available na classroom ng Esteban Abada High School at Recto High School.

Distance learning o online and modular ang pagsasagawa ng klase sa Albert Elementary School sa unang quarter ng f2f , at simula sa November 2 ay magpapatupad ng blended learning gamit ang mga available room ng Sumulong Elementary 2.

Panghuli, sinabi ni Supt. Lim na purely online learning ang ipatutupad sa mga mag-aaral ng Manila Science High School ngayong SY 2022-2023.

Ang paliwanag ni Supt. Lim ay sagot sa tanong kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan patungkol sa pagsisimula ng face-to-face classes sa Agosto 22 sa mga eskuwelahan sa Manila na under construction pa.

Facebook Comments