
Naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang apat na Korean national na sangkot sa illegal online gambling sa Cebu City.
Ayon kay ACG Director PBGen. Wilson Asueta, naaresto ang 4 sa isang condo unit sa Cebu City, Cebu sa bisa ng warrant to search, seize and examine computer data .
Narekober sa kanila ang ilang mga digital evidence at digital paraphernalia.
Dahil dito ay sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at sumalang na sa inquest.
Kung saan nakapagpyansa na ang mga nasabing suspek at mayroon nang nakatakdang schedule ng court proceedings.
Kaugnay nito, sa imbestigasyon ng pulisya napag-alaman na 5 taon nang nagpapatakbo ng ilegal na pasugalan ang mga nasabing tao at sa mga taon na ito ay palipat-lipat rin sila ng mga lugar.
Samantala, nagbabala naman si Asueta sa publiko na huwag tangkilikin ang mga illegal gambling platforms.










