Face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa bansa, tiniyak na ipatutupad na sa susunod na pasukan

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ipatutupad na ang face-to-face classes sa lahat ng mga eskwelahan sa bansa sa susunod na pasukan.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hinihimok din ng DepEd ang mga pribadong paaralan sa bansa na ipatupad na din ang face-to-face classes kung kaya’t inaasahan ng ahensya na sa susunod na academic school year ay 100% nang ipatutupad in-person classes sa bansa.

Nilinaw rin ni Briones na magsasagawa naman aniya ng iba’t-ibang approach at modalities ang DepEd regional offices batay sa assessment ng Department of Health (DOH) at local government unit sa bawat lugar.


Sa ngayon ay nasa higit 34,000 o 73% na pampublikong paaralan na ang nakahanda sa implementasyon ng face-to-face classes.

Facebook Comments