Face-to-face classes sa Lungsod ng Maynila, hindi pahihintulutan ni Mayor Isko Moreno

Hindi pa rin pahihintulutan ni Mayor Isko Moreno ang “face-to-face” classes at mga pagsusulit sa anumang kolehiyo o unibersidad sa Maynila.

Ayon sa alkalde, ayaw niyang malagay sa panganib ang mga estudyante lalo na’t patuloy pa rin ang banta ng COVID-19.

Aniya, maging ang Commission on Higher Education (CHED) ay siguradong hindi papayagan ang face-to-face classes lalo’t nananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila kung saan hindi pinapayagang lumabas ng bahay ang mga nasa edad 20 pababa.


Sakaling sumailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ), dito lang papayagan ang face-to-face classes sa lungsod pero magiging limitado lamang ito.

Gayunman, pag-aaralan pa rin aniya nila itong mabuti at nakadepende pa rin ito sa sitwasyong pangkalusugan sa lungsod.

Facebook Comments