Face-to-face classes sa mga pribadong paaralan, target simulan sa unang kwarter ng 2022

Target ng mga pribadong kolehiyo na ibalik ang face-to-face classes sa Enero o Pebrero ng 2022.

Ito ay matapos payagan ang in-person classes sa mga kolehiyo sa ilalim ng Alert Level 2 na may 50 porsiyentong kapasidad.

Ayon kay Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) Managing Director Joseph Noel Estrada, naghahanda na sila sa pagbabalik ng face-to-face classes.


Aniya, nagsumite na sila sa Commission on Higher Education (CHED) at sa Local Government Unit (LGUs) ng mga kinakailangang dokumento para rito.

Sa katunayan aniya ay tumutulong din sila sa CHED para mas mapaganda pa ang guidelines sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Nilinaw naman ni Estrada na iaalok pa rin naman ang online class at iba pang flexible learning methods sa mga hindi makakasali sa face-to-face classes.

Facebook Comments