Umarangkda na rin ang limited face-to-face classes sa Pasig City.
Isa ang Pasig Central Elementary School (PCES) sa pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) na nakapasa sa masusing assessment ng Department of Education at Department of Health para madagdag sa pilot phase.
Ayon kay Assistant Principal and Master Teacher I Candelaria M. Balmeo, mahalaga ang pagbibigay prayoridad sa health and safety measures.
Aniya, “doon kami nag-focus, lalo na sa pag-follow, iyong magiging arrangement sa loob ng classroom, papaano ang setup ng mga bata, kung saan sila dadaan at kanilang mga pupuntahan, [mga babaan at hintayan kapag] andiyan na ang magulang.”
Dagdag ng opisyal na ang paaralan umano ay may tuloy-tuloy na ugnayan sa mga magulang at komunidad na lahat ay oriented na kinakailangang mag-obserba ng safety protocols hindi lang sa paaralan kundi sa labas ng eskwelahan.
May kabuuang bilang na 27 na mag-aaral na lumahok sa pilot run ng paaralan na binubuo ng isang seksyon ng grade 1 na may 13 na mag-aaral at isa pang seksyon para sa grade 2 na may 14 na mag-aaral.