QC-LGU, inanunsyo na hanggang Biyernes na lamang ang pagtanggap nito ng aplikasyon para sa pag-avail ng ng Pangkabuhayan Program

56

Itinakda ng Quezon City government sa Biyernes, December 10 ang deadline ng kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa pag-avail ng Pangkabuhayang QC Program.

Sa biso ng Local Government Unit (LGU), lahat ng interesado ay kailangan lang magpunta sa District Action Offices malapit sa kanilang lugar para magsumite ng requirements.

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay pagkakalooban ng puhunan para makapagsimula ng kabuhayan sa ilalim ng Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.


Ang proyekto ay inilunsad ng city government upang matulungan ang mga residente na lubhang naapektuhan ng krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19.

Facebook Comments