Face to face consultations itinigil ng Taguig-Pateros District Hospital

13

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.

Pansamantalang ititigil muna ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) Outpatient Department ang face-to-face consultations.

Pinayuhan ang mga taguigeño na gamitin ang libreng teleconsultation upang mabawasan ang panganib ng impeksyon para sa kapwa mamamayan at healthcare workers.


Hinikayat ng lungsod ang mga residente na magpa-book ng mga appointment para sa Telemedicine consultation at itoy bukas mula 8:00 am hanggang 11:00 am araw-araw.

Maaari din tumawag sa:
0961-704-4365 para sa Pedia
0961-704-4384 para sa Medisina
0961-704-4359 para sa Surgery at
0961-704-4383 para naman sa OB-Gyne

Hiniling ng Taguig ang kooperasyon ng mamayan upang mapigalan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.



Facebook Comments