Friday, November 27, 2026

Mga “messaging” sa West Philippine Sea, hindi magbabago sa kabila ng pag-tone down ng Word War ng Pilipinas at China ayon kay Defense Secretary Teodoro

Mananatili ang messaging ng security sector sa West Philippine Sea sa kabila ng pagkalma ng word war ng Pilipinas At China .

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., walang magbabago sa paninindigan ng Pilipinas sa pag-aari nito sa West Philippine Sea , partikular na sa Kalayaan Island Group at Batanes na naiulat na inaagkin ng otoridad ng China at ng mga scholars nito.

Nabatid na sinita ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ilang mga hindi pinangalanang opisyal ng pamahalaan sa mga komento nito patungkol sa China.

Anila, maaari kasi nitong pahinain ang mga pagsisikap sa diplomasya at nakahanay dapat ang mga opisyal ng gobyerno sa policy direction ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon pa kay Teodoro, kung meron man umanong basura sa airways ng diplomatic space , hindi aniya galing ito sa Pilipinas.

Facebook Comments