“Solvable” o kayang masolusyonan ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea basta maumpisahan ang harapang diplomasya para lumamig ang sitwasyon.
Inihayag ito ni Senator-elect Alan Peter Cayetano na dati ring nanilbihan bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Mungkahi ni Cayetano sa susunod na administrasyon na agad magsagawa ng face-to-face diplomacy kasama si Chinese President Xi Jinping para palamigin ang sitwasyon.
Giit ni Cayetano, mas gumagana ang face-to-face diplomacy kaysa “megaphone or microphone diplomacy” kung saan naglalabas lang ng mga public statement ang dalawang kampo imbes na harapang pag-usapan ang sigalot.
Paliwanag ni Cayetano, kung ang president-to-president ang mag-uusap, hindi man agad ganap na mareresolba ang isyu ay mapapalamig nito sitwasyon at magkakaroon ng framework paano lulutasin ang problema.