Paglilitis sa drug case ni Sen. De Lima, tuloy kahit bumaliktad na ang mga testigo ng prosecution

31

Tuloy ang paglilitis ng korte sa illegal drug case ni Senadora Leila de Lima kahit binawi na ng mga testigo ang kanilang testimonya laban sa senadora.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, base sa naging abiso sa kanya ng panel of prosecutors na humahawak sa mga kaso laban kay De Lima, may dahilan pa para ipagpatuloy ang kaso laban dito.

Ayon pa kay Sec. Guevarra, hanggang hindi naihaharap sa korte para sa cross examination ang mga testigong bumawi ng kanilang testimoniya laban kay De Lima ay wala itong bigat sa kaso.


Idinagdag pa ng kalihim na ang bola rito ay nasa poder pa rin ng hukom na may hawak sa kaso.

Facebook Comments