Face-to-face learning, posibeng gawin sa retrofitted classrooms sa MGCQ areas sa second semester ayon sa CHED

72

Naniniwala ang Commission on Higher Education (CHED) na posible ang face-to-face classes sa pamamagitan ng re-engineered classrooms sa mga lugar na nasa low-risk areas sa second semester.


Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera III, pinag-aaralan na ng ilang unibersidad kung paano gawing akma at ligtas ang mga silid-aralan sa mga susunod na buwan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Iimbitahan ni De Vera si National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. at ilang local government officials sa pag-iinspeksyon sa mga retrofitted classrooms.

Sa ngayon, ang polisya ay wala munang ng face-to-face classes at magkakaroon lamang ng flexible learning.

Target ng CHED na matapos ang hakbang na ito sa Enero at umaasa silang kontrolado na ang sitwasyon sa panahong iyon.

Facebook Comments