Pilipinas, nakapagsagawa mas maraming COVID-19 test kumpara sa ibang bansa nitong Hulyo – Testing Czar

59

Nakapagsagawa ang Pilipinas ng mas maraming COVID-19 test para sa buwan ng Hulyo kumpara sa anim na iba pang bansa sa Asya.


Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer, Testing Czar Vince Dizon, ang Pilipinas ay doble ang nagawang test sa Japan na nasa 15,115 tests lamang.

Ang mga datos ay mula sa England-based data and research platform na “Our World in Data.”

Sinabi ni Dizon na nitong Marso ay aabot lamang sa 500 test ang nagagawa ng Pilipinas ngunit umaabot na ngayon sa 35,000 at patuloy pa itong itataas.

Ang Indonesia ay nakapagsagawa lamang ng 12,777 tests, South Korea na nasa 7,957 tests, Malaysia na nasa 6,494 tests at Singapore na mayroong 6,402 tests.

Kailangan aniyang paigtingin ang testing capacity sa bansa lalo na at nakikita ang pagkakaroon ng resurgence o biglaang pagtaas ng kaso sa Metro Manila at ilang lugar sa CALABARZON.

Target ng pamahalaan na maabot ang dalawang milyong Pilipino na maisalang sa COVID-19 test ngayong buwan.




Facebook Comments