Muling isinagawa ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang face-to-face job fair sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa FFF Covered Court, Upper Bicutan sa Taguig.
Sa nasabing event, 11 rehistradong direktang employer at ahensya ang lumahok sa job fair.
Mula sa 104 na naghahanap ng trabaho na dumalo sa kaganapan, 33 na mga aplikante ang agad natanggap sa lugar.
Habang sa June 12, 2022, isa pang mega job fair ang gaganapin sa Vista Mall sa Tuktukan.
Muli itong isasagawa sa Maharlika, at Simbayanan ni Maria sa June 22, at 29.
Sa datos ng PESO, umabot na sa 182,118 na mga aplikante ang natanggap mula 2010 hanggang Mayo 2022.
Layunin ng LGU na magbigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa lahat ng Taguigeño na apektado ng pandemya, habang tinutulungan ang mga kompanya sa kanilang paghahanap ng mga kwalipikadong empleyado.