FACE-TO-FACE NA PAGBISITA SA BJMP DAGUPAN CITY, IBABALIK NA

Magandang balita para sa mga may pamilyang kabilang sa Persons Deprived of Liberty o PDLs dahil ibabalik na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)–Dagupan sa lalong madaling panahon ang normal visitation activities.
Ito ang sinabi ni J/Superintendent Roque Sison, BJMP Dagupan jail warden sa isang panayam, na panahon umano para isaalang-alang ang pagpapanumbalik sa normal na kondisyon ng pagbisita dahil nagsisimula nang maging normal ang sitwasyon ng pandemya.
Aniya, ibababa ang mga plastic barrier para mas komportableng makapag-usap ang mga PDL at ang kanilang mga pamilyang bisita.

Sa panahon ng pandemya, pinapayagan lamang ng BJMP Dagupan ang E-Dalaw, o online visitation.
Matatandaang sinuspinde ang pagbisita sa BJMP premises dahil sa COVID-19 pandemic. Dahil sa nalalapit nitong pagbabalik, pinaalalahanan ni Sison ang mga bisita na mahigpit pa ring ipatutupad ang mga pangunahing protocol sa kalusugan.
Samantala, hindi naman magbabago ang dati ng ginagawa na idadaan sa searching ang mga bibisita sa pamamagitan ng triage system, ibig sabihin, susuriin ang temperatura ng katawan, kailangang ipresenta ang vaccination card, pagtatala ng pagkakakilanlan, body search at inspeksyon sa mga dala dala.
Matatandaan nagsagawa na ng dry run ang City BJMP noong nakaraang linggo para sa pagbabalik ng face-to-face contact visitation. | ifmnews
Facebook Comments