Gumawa na ng sariling Facebook account ang Joint Task Force COVID Shield.
Gagamitin nila ito sa pagtanggap ng reklamo mula sa netizens sa mga lumalabag sa quarantine protocols ngayong may COVID-19 pandemic.
Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, ang hakbang nilang ito ay para mas palakasin ang ugnayan ng mga pulis sa publiko.
Makakatulong aniya nila ang publiko sa pagprotekta ng komunidad.
Paliwanag ni Eleazar, alam niyang karamihan sa mga netizen ay nakakakita nang mga paglabag sa quarantine protocol sa mga kaibigan o kakilala nila na nag-u-upload ng video at larawan.
Ilan dito ay mga post na nasa mass gathering, nagsusugal at umiinom sa pampublikong lugar.
Sa pamamagitan ng official Facebook account na COVID Shield, pwedeng mag-tag ang netizens o kaya naman ay direktang magpdala ng mensahe.
Sa oras na matanggap nila ang reklamo, ito ay ibi-verify ng mga pulis sa tulong ng mga Local Government Unit at barangay officials bago gagawan ng aksyon ng Philippine National Police (PNP).