Facebook, muling nagkaaberya!

Muling nakaranas ng aberya ang ilang users ng social media apps na Facebook at Instagram kahapon.

Batay sa Tracker Downdetector.com, nagkaroon ng outage ang Instagram pasado alas 2:40 ng hapon, kahapon na sinundan ng Facebook, walong minuto ang nakalipas.

Nabatid na hindi makapag-log in ang mga user ng parehong social media apps.


Agad namang humingi ng paumanhin ang Facebook Inc. at isinaayos ang nasabing aberya.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng problema ang Facebook matapos na maitala ang major outage sa buong mundo noong Lunes, Oct. 5 na tumagal ng halos anim na oras.

Facebook Comments