Pagdinig para matukoy ang lehitimong PDP-Laban, sisimulan na ng COMELEC

Uumpisahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdinig para matukoy ang lehitimong PDP-Laban faction.

Ayon kay COMELEC Chairman Sheriff Abas, maaaring simulang ang pagdinig sa susunod na linggo lalo na’t may tugon na ang kampo ng Pimentel-Pacquiao wing sa inihaing petisyon ng Cusi wing.

Maaalalang nag-file ng petisyon ang PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi kung saan ipinadedeklarang illegal representative sina Senator Manny Pacquiao at Aquilino Pimentel III.


Nanindigan naman ang grupo ni Pacquiao na sila ay lehitimong PDP-Laban group.

Facebook Comments