Minamandato na ang lahat ng asymptomatic at mild COVID-19 patients na sumailalim sa facility-based isolation kung hindi maabot ng kanilang mga bahay ang requirements para sa home quarantine.
Inilatag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga kondisyong kailangang ikonsidera para maaaring payagan ang isang pasyente na isailalim na lamang sa home quarantine.
- Kinumpirma ng isang local health officer na ang pasyente ay mayroong comorbidities o vulnerable
- Ang bahay ng pasyente ay naabot ang kondisyong itinakda ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG)
- Ang Ligtas COVID-19 centers sa rehiyon ay puno na
- Ang Local Government Unit ay hindi sapat ang isolation facility
Nitong Hulyo, inaatasan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga asymptomatic at mild cases na sumailalim sa facility-based quarantine lalo na at kung wala silang sariling kwarto at sariling banyo.
Facebook Comments