Fact Finding Hearing isinagawa sa Surigao City

Fact Finding Hearing isinagawa sa Surigao City. Ipinatawag ang tatlong personahe ng Emergency Rescue Service, ito’y sa pamamagitan ng isinagawang Fact Finding Hearing sa pangunguna ni Atty. Manuelito Delani, ang Legal Officer ng Surigao City. Ang ipinatawag kinabibilangan nina Glenda Bringuez, Filmar Borja at John Patrick Calang na kung saan kinunan ng statement ang 3 ERS crew sa pangyayari noong Hulyo 22,2017 noong rumesponde sila sa pasyenteng si Hennebel Labaclado na nahulog sa stretcher nang ihatid ng Ambulancia sa isang pribadong ospital. Sa hearing kasama ang Human Resource Officer Gloria Gimena, City Health Officer Dr. Emmanuel Plandano at Engr. Elmer Tecson ng City ENRO, muling ipinakita ang nag-viral na video na kung saan nahulog sa stretcher si Labaclado. Binigyangdiin ng mga crew ng ERS, hindi sana mahuhulog sa stretcher si Labaclado kung hindi nangialam sa paghawak sa sidedrill at pagtadyak sa gulong ng stretcher ang babaeng naka-stripe tshirt na nakita sa video. Diumano’y kung ang ERS lang sana ang humawak sa stretcher at pasyente, hindi sana aksidenteng mahuhulog sa stretcher si Labaclado. Ayon naman kay Atty. Delani, ang fact-finding hearing hindi ginawa para humanap ng sisisihin noong Hulyo 22 na insidente kundi ang paghahanap ng paraan nang masigurong hindi na mauulit ang pangyayari, kasama na rin ang pagsasagawa ng training sa buong ERS sa Agosto 16 para mapabuti ang serbisyo-publiko. Kung matatandaan, matapos mag-viral ang video sa pagkahulog sa stretcher ni Labaclado at namatay pa, sinuspende ng isang buwan ang 3 crew ng ERS kasama ang hepe nitong si Mario Gesta habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments