Fact-finding investigation ng AFP kaugnay sa mga nagpabakunang PSG, itinigil muna

Inihinto na muna ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatakda sanang fact-finding investigation para sa mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) na nagpaturok ng hindi aprubadong COVID-19 vaccine.

Ginawa ni AFP spokesperson MGen. Edgard Arevalo ang anunsyo ngayong umaga.

Ayon sa opisyal, hindi tuloy ang scheduled fact-finding investigation dahil na rin sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.


Kagabi umaapela ang Pangulo sa Kongreso na huwag pilitin ang mga tauhan ng PSG na tumestigo at depensahan ang kanilang pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil ginawa ito ng mga PSG personnel bilang “self-preservation”.

Kahapon lang, sinabi ng AFP na hindi nila kukunsitihin kung mapapatunayang may paglabag sa batas ang mga sundalong una nang nagpaturok ng hindi aprubadong COVID-19 vaccine.

Facebook Comments