Faculty ng Silliman University, nagsagawa ng strike para mag-demand ng increase sa sweldo

Dumaguete, Philippines – Nagsagawa ng strike ang Silliman University Faculty Association (SUFA) kahapon para pagdedemand sa pamunuan ng paaralan sa dagdag sahod.

Sa paliwanag ng Silliman University admin representative, aabot sa P110-M ang demand ng SUFA na dagdag sa kanilang sahod.

Ayon kay Silliman University Legal Council Atty. Mike Bejar, hindi kayang sustentuhan ang hinihinging dagdag sahod ng mga guro dahil hanggang P86-M lang ang kayang budget ng unibersidad.


Matagal nang tinitiis ng sufa ang sahod ng bawat miyembro na nasa 16,000 hanggang 20,000 lamang.

Samantalang umaabot naman sa 80,000 ang sahod ng administrators at 100,000 naman sa pangulo ng Silliman University.

Facebook Comments