Faeldon, tinawag na ipokrito ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Tinawag na ipokrito ni Dangerous Drugs Committee Chairman Ace Barbers si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Kasunod ito ng kumpirmasyon na kumuha si Faeldon ng mga basketball at volleyball players bilang technical assistants pero inaakusahan naman ng korupsiyon ang mga kongresista dahil sa pagrerekumenda ng empleyado sa ahensiya.

Kung ano-anong batikos aniya ang ibinato nito sa mga kongresista pero ito naman pala ang kumuha ng serbisyo ng mga manlalaro na kaduda-duda kung may expertise para sa posisyon sa BOC.


Una nang nabunyag sa Kamara na dalawampu’t walong basketball players at volleyball players ang nasa talaan ng empleyado ng BOC, ilan sa mga ito ay naka-assign sa Office of the Commissioner habang ang iba ay sa intelligence group naman.

Kaugnay niyan, inatasan na rin ng Kamara ang BOC na isumite ang 201 ng mga nasabing manlalaro para makita ang kanilang kuwalipikasyon.

Facebook Comments