Faeldon, tumanggap ng welcome gift – Customs Commissioner Lapeña

Manila, Philippines – Mismong si Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña ang nagkumpirma na totoong tumanggap si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ng P107 million pesos na “welcome gift”.

Ayon kay Senator Panfilo Ping Lacson, nagtungo sa kanyang tanggapan si Lapeña at sinabi ang kanyang nadiskubre na hindi lang 100-million pesos kundi 107-million pesos pa ang natanggap na welcome pasalubong ni Faeldon ng umupo ito sa BOC.

Base aniya sa kwento ni Lapena, ang pinaggalingan ng welcome gift kay Faeldon ay ang bulto bultong Tax Credit Certificates o TCC.


Paliwanag ni Lacson, ang TCC na nagkakahalaga ng bilyun bilyong piso ay iniisyu sa mga malalaking kompanya para gamiting pambayad o i-convert sa salapi.

Sabi ni Lacson, inamin ni Lapeña na may nilagdaan na syang mga TCC pero binawi niya makaraang malaman na ito pala ang pinanggagalingan ng welcome gift.

Dagdag pa ni Lacson, bahagi din ng welcome gift ay nagmumula sa pinag-ambagan ng mga players mismo sa Customs na may espesyalisasyon sa resins, agricultural products at iba pa.

Facebook Comments