Ideneklara ng Commission on Election (COMELEC) ang failure of elections sa 3 bayan sa Lanao del Sur dahil sa mga nangyaring karahasan doon noong halalan nitong Lunes.
Partikular sa mga bayan ng Tubaran, Butig at Binidayan.
Sakop nito ang 14 na mga barangay sa naturang mga bayan.
Inirekomenda ni Director Rey Sumalipao ng COMELEC-BARMM ang pagdaraos ng special elections sa May 15 sa Butig at Binidayan.
Habang May 12 naman ang inirekomendang pagdaraos ng special elections sa Tubaran.
Mismong ang mga trained na pulis ang magsisilbing special board of election inspectors sa idaraos na special elections sa naturang mga lugar.
Facebook Comments